Lunes, Enero 14, 2013

Pilipino Ako

Ipagmalaki ang sariling atin upang makamtan ang mga hangarin na umangat at makilala, ang sariling bansa natin Kahit sa simpleng pag-papakilala sa mga dayuhan tungkol sa ating bayan, marami tayong magagandang tanawin , gawi sa pang araw araw pati na ang ating kulturang mas lalong nagpapayaman sa ating bansa. :)))

Manuel Louis Quezon y Molina

Si Manuel L. Quezon ang ama ng Wikang Pambansa.Tinagurian din siyang Ama ng Republika ng Pilipinas dahil sya ang naging unang pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas.Siya ay ipinanganak noong Agosto 19, 1878 sa Baler , lalawigan ng Tayabas.Ipinapagmalaki siya ng mga Pilipinong katulad ko dahil isinulong niya ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa pamahalaang Amerikano.
Ipinagmamalaki ko na ako ay Pilipino
 kayumanggi ang kulay ko
 isang proweba ito pati 
narin ang wikang ginagamit ko 
ay pinapahalagahan ko 

 Sanay hindi magbago
 ang ating wikang totoo
 at bigyan natin ng pugay ang mga bayaning nagbuwis ng kani-kanilang buhay ,
upang ipaglaban ang ating wika,karapatan at kalayaan

Linggo, Enero 13, 2013

Ang Wikang Filipino
ay ating wikang totoo,
kahit na naimpluwensyahan tayo
ng mga dayuhang armado

Dapat paring kilalanin
at bigyan ng pansin
na ating palaganapin
at laging gamitin


Ibang wika ay gamitin 
kapag atin lang kakailanganin,
dahil dapat nating tangkilikin
ang sariling atin.

Wikang Nagbabago

  Maraming Pilipino ang nakipaglaban at nag-alay ng kani-kanilang buhay upang makamit lang ang ating kalayaan.Si Manuel L. Quezon na Ama ng ating wikang pambansa, nag sikap siya upang mabigyan tayo ng ating sariling wika, hindi lang para sa sariling kapakanan kundi para narin sa ating bayan.

  Sa paglipas ng panahon,unti unti na nating nalilimutan ang ating ibang salita na bukod sa orihinal na pinagmulan ng ating wika ay unti unti nang napapalitan.Lingid sa ating kaalaman, kahit lumalawak na ang ating imahinasyon at pagiging malikhain nakaka gawa tayo ng mga bagong salita na tumutulong upang mas mapadali ang ating pag intindi.Katulad ng "Jejemon","Bekimon" at kung anu-ano pa.

    Kailangan nating pangalagaan ang ating wika.Ugaliin natin na ito ay gamitin upang mapanatili ang pagiging buhay ng ating wika na ipinaglaban ng ating mga kababayan na nagpapakilala sa atin sa buong mundo na tayo ay tunay na Pilipino at ipinag-mamalaki natin ito.