Linggo, Enero 13, 2013

Wikang Nagbabago

  Maraming Pilipino ang nakipaglaban at nag-alay ng kani-kanilang buhay upang makamit lang ang ating kalayaan.Si Manuel L. Quezon na Ama ng ating wikang pambansa, nag sikap siya upang mabigyan tayo ng ating sariling wika, hindi lang para sa sariling kapakanan kundi para narin sa ating bayan.

  Sa paglipas ng panahon,unti unti na nating nalilimutan ang ating ibang salita na bukod sa orihinal na pinagmulan ng ating wika ay unti unti nang napapalitan.Lingid sa ating kaalaman, kahit lumalawak na ang ating imahinasyon at pagiging malikhain nakaka gawa tayo ng mga bagong salita na tumutulong upang mas mapadali ang ating pag intindi.Katulad ng "Jejemon","Bekimon" at kung anu-ano pa.

    Kailangan nating pangalagaan ang ating wika.Ugaliin natin na ito ay gamitin upang mapanatili ang pagiging buhay ng ating wika na ipinaglaban ng ating mga kababayan na nagpapakilala sa atin sa buong mundo na tayo ay tunay na Pilipino at ipinag-mamalaki natin ito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento